Ihahatid

Ngunit, ikaw parin ang nasa panaginip ko
Ihahatid na sa daan na alam na alam ko
Pauwi kung saan ako nga ay matutulog
Tila nanlalambot pa nga ang aking puso.

Sakay sa sasakyan habang ako ay nakatanaw
Sa mga bukid at bundok na tanaw sa malayo
Binulong sa akin ang mga salitang pag-amo
Sa pusong naghihintay ng isasambit mo

May sinabi ka sa presensya kong payapa
Nakikita mo pala ako kahit na tahimik sa dulo
Na sa kabila ng mainggay na mundo ay ako nga ay kalmado
At alam mo ang laban na pilit ko ngang isinusuong

Tinanong kita kung ano ang gagawin ko
May dapat ba akong gawin upang matapos na ito
Hindi ka sumagot at tahimik na nagmaneho
Habang ako ay nakangiti sa mga taong naglalakbay rin sa malayo

Salamat sapagkat inihatid mo ako sa lakbayin ngang ito
Kahit ibang tao ang tinanong upang samahan ako
Ngunit ikaw rin pala ang makakasabay sa dulo
At ngayon nandito na at nagpapa-alam na tayo

Sa mga ala-ala na nabuo
Sa mga pagtawa na hindi pilit itinatago
Sa pagtingin na alam kong alam mo
Sa lahat ng natutunan ko

Dahil ngayon ay naka-uwi na at handa ng gumising
Sa panginip na akala ko ay bangungot.


Follow the story here:

Mahimbing Series

For English Translation – Next Page

One thought on “Ihahatid

  1. Pingback: Sa Aking Panaginip – travelerspeaks

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s