Sa Aking Panaginip

Ang mga panaginip ko ay nanadya
Dalawang beses kitang nakita
Binilang ko mukang tatlo pa ata

Na dumating ka sa mga panaginip ko
Dalawang araw ng magkasunod
Sa paggising parang binabangungot

Niyakap mo ako at nginitian
Mga bagay na hindi naayon
Hindi naman ikaw ang nasa isip

Ngunit ang puso’y ikaw ang binubulong

Hindi ba matalik na magkaibigan tayo noon?

Ngayo’y tuluyang napagtanto
Sa mga tula na ikaw ang pinupunto
Na akala’y sinusulat para sa mambabasa
Trinaydor ng sariling salita na akala’y tungkol sa iba

Bakit susulat ng tula na para lamang sa’yo?

Bakit ikaw ang laman ng mga panaginip ko?

Bakit binubuhay na naman ang pagtingin na itinago?

Bakit bumibisita ka pa sa aking kwarto?

Tila ikaw ang nakarinig sa mga tulang tumatawag
At sinagot ang mga alala na tinapon nating dalawa
Doon sa panaginip na lang piniling magkikita
Dahil sa personal ay hindi magkakilala

Sa isa’t isa kasi ay estranghero,

Ngunit magkakila ang mga mata.

Sa isa’t isa tayo nga’y estranghero,

Ngunit sa panaginip ay magkakilala.

At binalikan muli ang tulang ito
Sapagkat nagkita na naman tayo
Tinititigan mo ako sa mga panaginip ko.

At patuloy na binabalikan ang tulang isinulat
Sapagkat ilang beses parin akong nagulat
Sa panaginip na halos limang beses lumabas

At nang tinanong sino ang paborito nang nasa taas,
Sa panaginip Ikaw, Mahal, ang pinalabas


Follow the story here:

For English Translation – Next Page

4 thoughts on “Sa Aking Panaginip

  1. Pingback: Pahinga – travelerspeaks

  2. Pingback: Ihahatid – travelerspeaks

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s